Monday, September 14, 2009

Classic Colonial Mentality

WARNING: Ang sumusunod ay naglalaman ng VERY FOUL language at tililing sa ulo.



Ang ibang Pinoy nga naman. Nakalanghap lang ng hangin ng ibang bansa, feeling banyaga na. Nag "Chin Chan Su" lang at glutathione, kala nila amerkano na sila. Haaay, pano nga ba tayo uunlad nyan kung ganyan mag isip ang ba sa atin?

Hoy ale, sa tunog pa lang ng boses mo, Pinay na Pinay ka.
Don't tell a lie, wag mag deny. Aminiiiiiiinnn!
TIGAS NG MUKHA MO!

Friday, September 11, 2009

Mikey Arroyo, nagmukhang TANGA kay Winnie Monsod

Itong si Mikey Arroyo, obvious na obvious na humahanap ng lusot.
Part 1


Part 2

Sa pagpipilit na makalusot, lalong pa siyang nabaon.

At nung talagang di na makalusot, ano ang sabi niya? SUE ME!

Ang yabang naman talaga nitong si Mikey! Manang-mana sa nanay niyang kurakot din. Nagmamalaki pa na kung ayaw daw nating tanggapin ang kanyang contradicting explanations, e di idemanda na lang daw siya. At pagkatapos, ano? Syempre hawak naman nila sa leeg ang Ombudsman dito. Kaya nga malakas ang loob nila. Kaya nga tahimik lang ang Ombudsman sa kanyang lumolobong milyones magpahanggng ngayon.

Nakapanggigigil talaga! Magkano kaya sa aking 33% tax na binabayaran buwan-buwan ang napupupunta dito kay Mikey? At sa pagsasabi niyang mga "regalo" na natatanggap niya, ano kaya ang kapalit nito? Buhay nating mga Pilipino?

Mikey Arroyo, bistado ka na! Konting oras pa lang na pagtatanong yan. Pasalamat ka at walang kwenta ang Ombudsman. Pasalamat ka at magagaling ang mga abugado mong mga halang ang kaluluwa!

MIKEY ARROYO, GRABE ANG TIGAS NG MUKHA MO!!!!!!