Friday, July 10, 2009

Welcome to Tigas ng Mukha mo!

Mapagmasid ka ba sa paligid mo?

Napapansin mo ba ang mga kakatwang nakasanayan ng ibang Pinoy?

Gaya ng...
...paghinto ng mga jeepney at bus drivers sa NO LOADING/UNLOADING ZONE o kung saan mismo pumara ang pasahero.
...pagbabale-wala ng kalapit na traffic enforcer sa ginagawa ng mga drivers na ito.
...pag ihi ng mga maton sa pader na may malaking sulat na BAWAL UMIHI DITO.
...pagtatapon ng basura sa isang kanto na may nakalagay na HOY, WAG MAGTAPON NG BASURA DITO #!@$% MO!!!
...pagparada ng sasakyan sa masisikip na kalsada na para bang personal na garahe nya yun.
...pagtawid ng mga tao sa mga kalsadang may malaking sign na BAWAL TUMAWID DITO, NAKAMAMATAY (direct to the point na nga e).
...mga ibang government employees na para bang ikaw pa ang makikiusap sa kanila na asikasuhin ka. Manghihingi pa ng lagay! (Teka, di ba buwis naman natin ang ginagamit na pampasweldo sa kanila?).
...pagkatagal tagal na mga government projects na di matapos-tapos sa di malamang kadahilanan. Nakabalandra pa naman ang malaking picture ng kung sinong pulitiko na para bang pera nya ang ginagamit sa projects na ito.
...harap-harapang pangungurakot ng mga pulitiko sa kaban ng bayan na lagi na lang nawawala ang mga witnesses (Teka, asan na ba si Joc Joc?).
...malinaw na pandaraya sa eleksyon ng mga pulitikong ayaw bumitaw sa pwesto (Hello, Garci? Natatandaan mo pa ba to?).
Ang mga ito, at marami pang mga nakakainis na mga kasanayan ng mga Pinoy.

Oo, alam ko, may ibang ang sasabihin ay dapat may PRIDE IN THE FILIPINO. Na dapat sa mga magagandang bagay na lang tayo mag focus.

Pero pano na ang mga ganitong bagay? Palulusutin na lang? Kaya nga nakakasanayan, kasi nakakalusot naman. Dapat wag tayo pumayag. Dahil kung hahayaan lang natin, tayo tayo din ang mapeperwisyo.

Dahil...
...ano ba ang dahilan at nagiging matraffic sa kalsada?
...bakit ba may nadadaanan tayo na mapanghing lugar?
...bakit ba nagbabara ang mga kanal at makalat ang paligid?
...bakit ba nangunguna tayo sa listahan ng mga MOST CORRUPT COUNTRIES?
...bakit ba kulang ang mga government services natin?
...bakit ba ang mga nakaupo e yung mga hindi naman binoto ng nakararami?

Palalampasin mo ba ang mga ganito? Payag ka ba na ganito na lang palagi?

Kung OO, sorry ka na lang at magtiis. Dahil ang mga walang pakialam, walang karapatang magreklamo.

Kung HINDI, para sa iyo ang web blog na ito. Ikaw at ako, sabay-sabay nating sabihin sa mga ganitong tao: TIGAS NG MUKHA MO!

5 comments:

  1. maraming ganyan. hindi na cguro maiwasan yan pero in a way dapat talaga MAPIGILAN ANG PAG-UUGALING GANYAN!

    ReplyDelete
  2. si Gloria Macapagal Arroyo ang number one matigas ang mukha!!!!

    ReplyDelete
  3. ibig sabihin hindi pa nasasagasaan itong public menace este "servant" na ito...gandang e-airsoft nitong kulangot na to'....

    ReplyDelete
  4. nice blog
    susubaybayan ko ito.
    puede makipagxchange links?

    thanx

    http://deathbyporno.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. ang akala ko dito lang sa amin meron din pala sa maynila ........wala tagala cila ,modo dapat sa kanila hindi cila maging public servant kung yun rin nman pala pakita na ugali sa mga tao........hindi nman cla deserve jan mukha palang rapist nah....eww.....u dont deserve as a public servant ..........

    ReplyDelete