Friday, July 31, 2009

Sec. Angelo Reyes ng DOE: Ano ka ba naman?

Noong Tuesday, nagtaas ng presyo ng gasolina ang mga minamahal nating oil companies. Dalawang piso sa gasolina at dalawang piso din sa diesel.

Ano ang sabi ng Department of Energy sa pangunguna ng Kagalang-galang na Sec. Angelo Reyes? Dapat daw ay pasalamat pa tayo. Dapat daw ay LIMANG PISO ang itinaas!

HUWAAAATT??? Sa lagay pala na yon e may utang na loob pa tayo kay Sec. Reyes?

Ok lang sana kung nasa lugar ang pagtaas ng presyo ng gasolina. Baka nga may utang na loob pa tayo sa kanya. Pero alam nyo ba na ayon NEDA (National Economic and Development Authority), OVERPRICED pa nga daw ng WALONG PISO ang presyo ng gas dito sa Pinas. Ayon sa computation ng NEDA, dapat daw ay P31.00 lang per liter ang gas sa halip na P41.00. Ito ay nakasaad sa kanilang Position Paper na isinubmit sa House Energy Committee. NAKUPOW, overpriced na pala ang gas, nakukuha pang mag-increase ng presyo ang mga oil companies na ito! Talaga palang matitigas ang mukha ng mga ito!

Eto pa, dahil confident ang NEDA sa kanilang computation, hinamon ng NEDA ang mga oil companies na ito na mag-compare ng formula ng computation. Ngunit, subalit, datapwat, AYAW ipakita ng mga kumanya ng langis ang kanilang pricing formula. Bakit? Syempre, baka nga naman mabisto ang panloloko nila. Basta daw ang kanilang presyo ay base sa computation nila at ng Department of Energy. So, kasabwat pala ang DOE sa overpricing na ito.

Imbes na ang DOE ang magbigay proteksyon sa atin laban sa mga ganitong panggigipit, sila pa itong nakikipagsabwatan. Pasalamat pa daw tayo! Ibang klase din, ano?

Teka, hindi ba't pera ng bayan ang kinukunan ng sweldo ni Sec. Reyes at ng departamento niya? Bakit para pa siya ngayong tagapagtanggol ng mga oil companies na ito? Hmmmm... baka naman ang mga oil companies na ang nagpapasweldo sa kanya?

Sec. Angelo Reyes, gawin mo naman ang mandate mo at magsilbi sa taong-bayan. Yan naman talaga ang purpose mo di ba? Isa kang PUBLIC SERVANT, di ba? Hindi ka naman PRIVATE SERVANT ng mga oil companies ah. Kung sa tingin mo at ng DOE na tama naman ang pag cocompute ninyo ng presyo ng gasolina, bakit hindi kayo maglakas-loob na makipagkwentahan sa NEDA? Lalo tuloy lumalabas ang garapalang pakikipagsabwatan ninyo.

Sec. Angelo Reyes, huwag mo naman maliitin ang kakayahan namin na mag-isip. Sa tingin mo ba ay BOBO lahat ng Pilipino kaya harap-harapan ang ginagawa mong panloloko?

Sec. Angelo Reyes: ANG TIGAS NG MUKHA MO!!

I-click ITO para mabasa ang news article tungkol dito

6 comments:

  1. wa na taung mapapala sa taong yan! manhid na yan sa katigasan ng mukha!

    ReplyDelete
  2. kunwari pa kagalang-galang sya sa picture nya. PWE!

    ReplyDelete
  3. Oo, more than 50pesos na ngayun ang litro ng gasolina. US$1 mo hindi kasya isang letro ng gasolina, walang hiya nga naman eh dun sa bansa na pinagkukunan natin niyan eh mas mahal pa ang tubig. Let us send tubig na lang kaya dun sa mga arab countries tas palitan nila ng gasolina. . . Hay, wag naman nyo kaming elugmuk sa kahirapan. Maawa naman kayo, wala ba kayong puso?

    ReplyDelete
  4. TAMAAAA... kaya yan nagsuicide dahil hindi na niya nakaya yung konsensya nia...

    ReplyDelete
  5. i hope na sna yung mga public servant be a good model specially sa mga kbataan,,, sana icpin mo n nila sino ang mgi2ng biktima ng ga2win nila,,, there are many people seeking progress in our country,i believe there still HOPE in our country.God Bless

    ReplyDelete
  6. hindi ka dapat ilibing si angelo reyes sa libingan ng mga bayani kasi hindi sya bayani kurakot sya.....nag suicide sya dahil may kasalanan sya.

    ReplyDelete