Sunday, July 19, 2009

Red Plate sa Glorietta on a Saturday

Kahapon (Sabado) nasa Makati ako nang makasabay ko ang isang Toyota Revo na may RED PLATE na SEU-163. Isang lalaki at isang babae ang sakay. Lumiko ito sa area ng Glorietta at huminto sa may tapat ng Glorietta 5. Bumusina ito na parang may sinusundo na babae na galing sa mall. Wow, sarap naman, LIBRE sasakyan sa pamamasyal.

Tuwing nakakakita ako ng ganito, di ko mapigilan na mainis. Bakit naman hindi, hindi ba FOR OFFICIAL USE ONLY ang mga government vehicles? Ano to, may official government function sa mall?? At Sadabo pa! Syempre pag tinanong ang may dala nito, yun ang sasabihin nya. Come on, ano tayo, kahapon lang pinanganak? Tinatawaran ba nila ang kakayahan nating mag-isip?? Saka parang wala yata akong kilalang government employee na ganun kasipag na nagtratrabaho kahit weekend.

Actually, madalas ako makakita ng mga RED PLATE na sasakayan na gumagala-gala kapag weekends. Dapat yata nilang maisip na BUWIS natin ang ginamit pambili ng mga sasakyang ganyan (malamang overpriced pa). BUWIS din natin ang nagpapagasolina nito. Panay pa naman ang price increase ng mga oil companies. Kunwari na lang na sila ang nagpapagasolina nun kapag ginagamit nila, pano ang maintenance? Kaya maraming mga naka-junk na government vehicles e. Bara-bara kung gamitin tapos bahala na. Wala bang nagmomonitor nito sa mga government offices? Hindi ba't pati sa TV madalas na may nakukunan na ganito?

Sayang, hindi ko nakunan ng picture ang driver at at pasahero nito dahil nagkahiwalay na ang daan namin. Pero eto ang picture ng mismong sasakyan:














Ang masasabi ko sa mga taong gumagamit ng RED PLATE for personal affairs:
TIGAS NG MUKHA MO!!

2 comments:

  1. RED PLATE = For Official Use ALSO!

    ReplyDelete
  2. Ganyan talaga. Sila ang nakapwesto kasi. Kaya nila gawin kahit anong gusto nila.

    ReplyDelete