Wednesday, July 15, 2009

Manyakis ng Meralco Avenue

Ang sumusunod ay ipinadala sa atin ng isang Tigas Hunter na ninanais na maging anonymous:

Kaninang hapon, naglilinis ako ng terasa ng aking tirahan, mayro'n dalawang traffic enforcers na nagkwekwentuhan sa tapat ng gusali. Nakakuha ako siguro ng atensyon sa pamamagitan ng suot kong berdeng pang itaas (gano'n?).

Hanggang ang isa sa kanila na may suot suot na berdeng sumbrero ay nagsimulang ngumiti at kumaway sa akin at pasigaw sigaw akong kinakausap...

Manyakis : "Miss! Anong ginagawa mo?"

(hindi ako sumasagot. Ang totoo nagwawalis ako ng mga natuyong ipot ng ibon at tae ng aso.)

Manyakis: "Hoy miss! Mamansin ka naman! Anong ginagawa mo? Naglalaba ka ba? (sabay senyas ng dalawang kamay nya na animo'y may kinukuskos)

Manyakis: "Miss na maganda ... mamansin ka naman ... mag isa ka lang ba dyan? Pwede bang makitulog dyan? Aakyat ako ha..."

Ang isa nyang kampon ay nakatingin lamang at tatawa tawa ... hanggang ang bidang manyakis na ito ay naglakad at tinawid ang daan upang mas makalapit sa tapat ng aming gusali.

Manyakis: "Miss! Miss! Ang ganda mo ... mukha kang masarap... mamansin ka naman... anong ginagawa mo?" ...

Wala pa rin akong kibo hanggang nakatapos ako sa winawalis ko (ngayon ko lang naisip, dapat pala lahat ng inipon kong mga tae ng ibon at aso ay ibinuhos ko nalang sa kanya lahat).

Pagkaraan ng kaunting minuto, bumalik ako dala dala ang aking kamera na may nakakabit na 24-70mm na lente. Todo zoom in ako! Sa galit ko nakalimutan kong meron pa pala akong 80-400mm, yun dapat ang kinabit ko! Pero ok naman ang nakuha kong resulta ...

Presenting to you mga kababayan, ang Aga Muhlach ng Meralco Ave. (hindi dahil gwapo sya, kundi dahil nakunan ko sya sa lahat ng anggulo) . Ang mamang manyakis! Enjoy the pictures!
Pagkatapos nyang makitang kinukunan ko sila ng litrato, pasimple at dali daling tumalilis ng lakad ang hunghang na ito, papunta sa kaliwang direksyong ng gusali ko kung saan nandoon ang maraming puno at maari syang makapagtago.

(O dahil naihi sa nerbyos?).


Eto si Mr. Manyakis:



















Wow, PUBLIC SERVANT pa supposedly ang taong ito. BASTOS at WALANG MODO. Wala bang screening ng applicants para sa mga ganito? Kala mo kung sinong gwapo. Pag nakita ng misis mo to, yari ka sigurado.


HOY, TIGAS NG MUKHA MO!

9 comments:

  1. Napapadaan ako dyan.. pag-nakita ko yan, bubusinahan ko nang malakas para tuluyan nang maihi.

    ReplyDelete
  2. the guts.. tsk tsk.. very disappointing.. X(

    ReplyDelete
  3. ang pangiiiit niyaaaa!!!! desperado!

    ReplyDelete
  4. Haba ng mukha. Mahaba rin ba yun ano? Heheheh joke lang!

    ReplyDelete
  5. Ayus ang blog na to ah. Ma bookmark nga! hahaha.. aabangan ko to! Sana mga pulitiko naman next time! hahaha

    ReplyDelete
  6. Hindi naman traffic enforcer yan. Member yan ng Green Police ng Pasig. Ang traffic enforcer ng Pasig City ay naka uniform ng Blue at kung tawagi'y Blue Boys. FYI

    ReplyDelete
  7. Ang pangalan ng Kupal na ito ay si LITO TUASON taga Daang Paa, Kalawaan, Pasig. Ang lakas daw mangotong ng Manyak na ito!

    ReplyDelete
  8. sobra naman kyo mabait na tao yan actually kapitan yan sa kalawaan

    ReplyDelete
  9. yan ang tumulong sa akin nung masiraan ako sa bandang pasig bait kaya nyang c mr tuazon....bka nagkamali ka lang...

    ReplyDelete