Sunday, August 9, 2009

Dinner ni GMA sa New York, 1 Million pesos ang halaga!


Hindi ko maintindihan kung talagang ang tingin ni GMA sa mga pinoy ay tanga, o talagang bilib na bilib sya sa sarili nya na kaya nyang makalusot kahit anong kababalaghan ang gawin nya.

Ayon sa report ng New York Post (basahin DITO) matapos ang pagkikita nila ni Pres. Obama, nagpunta si GMA, kasama ang kanyang entourage sa Le Cirque, isa sa pinakasikat at pinakamahal na restaurant sa New York. Para sa ating mga ordinaryong Pinoy na di sanay kumain sa mga mamahaling restaurant, ang Le Cirque ay tambayan ng mga rich and famous. Apparently, ang tingin ni GMA ay isa syang rich and famous kahit na ang bansang kanyang pinamumunuan ay naghihirap at maraming mga Pinoy ay nagugutom. Alam nyo ba kung magkano ang "chit" ng mahal nating presidente?

Tumataginting na 1 MILLION PESOSESESES!

ABA, ang tindi naman talaga ni GMA! Andaming Pinoy na naghihirap at nagugutom sa buong bansa, tapos eto sya't kung kumain ay parang tumama ng jackpot sa lotto. Baka nga kung ako ay manalo sa lotto, di pa din ako kakain ng ganung kamahal ah.

Ano naman ang menu para umabot ng ganito kamahal ag bill?
Eto ang ilan sa kanilang chinicha:
Caviar (itlog ng isda)
Escargot (snail)
Halibut (isda)
Dover sole (isda pa din)
Champagne na $510 isang bote (syempre di naman kasya sa kanila isang bote lang)

Nung sinubukang tawagan ng media ang tuta, este, Press Secretary nyang si Cerge Remonde, hindi sumasagot. Nagtext na lang daw at sinabing si Cong. Martin Romualdez daw ang taya sa pagkamahal-mahal na hapunan na iyon. WOW, galante si Cong!

Nang subukan namang tawagan si Cong. Romualdez, busy daw sya at tatawag na lang daw sya, na hindi naman nya ginawa. Obvious na obvious, di ba? Syempre, wala pang makakapagsalita sa kanila agad. Kailangan pang magkaroon ng coaching session mula kay GMA, para nga naman in synch sila.

Sabihin na nating magpapakabobo tayo at maniniwalang si Cong. Romualdez ng ang nagbayad ng dinner na iyon, hindi kaya dapat magkaroon ng lifestyle check para sa kanya? Malamang wala. Si GMA nga naman daw ang pinakain nya. At ano ba naman yan, pag si Mike Arroyo ang nanood ng boxing sa Las Vegas at nag stay sa mamahaling hotel, iba daw ang nagbayad nun. Tapos pag kumain si GMA sa mahal na restoran, iba pa din nagbabayad?? Hindi ba bawal din para sa isang public official ang tumanggap ng favors kahit kanino?

Pero syempre, hindi tayo bobo. Alam nating hindi naman talaga si Cong ang nagbayad ng chit.

Alam nyo ba kung sino ang tunay na nagbayad? TAYO!
Ambag-ambag tayong mga abang Pilipino para mabayaran hindi lang ang pamasahe ng grupo ni GMA kundi pati na din ang milyones na dinner nyang ito.

Sarap ng buhay nitong si GMA!

Ako nga, pilit kong pinagkakasya sa 100 pesos ang pagkain ko sa maghapon para makatipid at maipon ang sweldo ko (na 30% ay napupunta sa kaban ng bayan). Tapos eto tong si GMA at tila sumusuka ng pera sa paggastos!

Mahal na pangulong GMA, marami pong Pinoy ang walang pera pambili man lang ng instant noodles para makakain ang buong pamilya.
...Marami pong Pinoy ang sa basurahan kumukuha ng pagkain
...Marami pong Pinoy ang namamatay sa gutom.
...Marami pong Pinoy ang umaasa lang sa limos para mabuhay.

Pag nagbyabyahe po kayo sa lansangan at tumitingin sa paligid, hindi nyo po ba nakikita ang mga taong mahihirap na nakakalat sa kalye? O baka naman kaya mabilis ang andar ng sasakyan nyong may wang-wang pa ay para hindi nyo mapansin ang kahirapan sa paligid nyo?

Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, talaga naman ANG TIGAS NG PAGMUMUKHA MO!!!

Basahin ang article na ITO tungkol sa Le Cirque.

6 comments:

  1. SOBRANG GARAPAL NI GLORIA!!!

    ReplyDelete
  2. Bakit ba panay na lang ang pintas ninyo kay PGMA?? Ano ngayon kung 1 million ang kinain nila? Marami naman siyang kasama a. Hindi naman siya mag-isa lang. Saka marami naman siya nagawang mabuti sa byahe niya sa Amerika tulad ng investments, business connections, at ang meeting niya kay Pres. Obama. Alangan naman na sa fastfood sila kumain. Napataas naman ni GMA ang economy ng Pilipinas. Kayong mga walang sawa sa kakabatikos kay GMA, manahimik na lang kayo!!!!

    ReplyDelete
  3. Tumigil ka kulas! Tuta ka ng presidente mong mukhang tyanak! Pareho kayong BOBO!!!!

    ReplyDelete
  4. Lets give e little discency with our president.alangan naman na pakainin lang natin sya ng masarap na hamburdyer sa mcdo...


    Dagdagan naman natin ng french fries at softdrinks.
    - by abalos

    ReplyDelete
  5. Hoy, Anonymous, "discency" or you might have meant "decency"? Alam mo ba ibig sabihin ng term na ginamit mo? It's the behvior that conforms to accepted standards of morality or respectability. You honestly believe meron si Gloria nun??? Pareho kayo ni Kulas... bobo.

    O baka naman iba ang ibig mong sabihin sa "discency"?

    ReplyDelete
  6. Nailagay ba sa news na pag kumain sa mga resto sa america n compulsory ang mag-tip ng 10% ng kung magkano man ang nilamon nila dun? Saka nga pala "Makabayan" at "Naiirita sa Bobo" wag ninyong tawaging bobo si "Kulas" hindi siya BOBO! Kasi ang BOBO mahina lang ang pag-iisip. SI KULAS AY WALANG ISIP!!!!!!! WALANG PUSO, WALANG KARAPATANG MABUHAY SA MUNDO PAREHO NG ATING MAHAL NA PANG-GULO! Yun lang po!

    ReplyDelete