Kahapon, pagkatapos na pagkatapos ng SONA ng ating pinakamamahal na pangulo, isang kagimbal-gimbal na balita ang inihatid sa atin ng mga pinakamamahal nating oil companies: DALAWANG PISONG PAGTAAS NG GASOLINA AT KRUDO!
HANUBAYAN?!? Parang talagang hinintay lang magtapos ng SONA para at least hindi kasama sa ibabalita ni GMA ang price increase ah. Kakaiba naman ang katigasan ng pagmumukha ng mga oil companies na ito. Noong July 20, nagbaba ng .50 for gas at .25 para sa diesel, tapos saktong isang linggo, taas agad ng dalawang piso across. Syempre nga naman, wala naman tayo magagawang mga ordinaryong nilalang lang. Kailangan natin ng gasolina at krudo para umandar ang ating sasakyan. Hindi nga naman natin kayang maglakad na lang papasok sa school o sa trabaho. Ano na kasunod nito? Syempre magrereklamo naman ang mga jeepney drivers. Sino nga ba naman ang hindi magrereklamo.
Bakit ba pag bumababa ang presyo ng crude oil sa world market, hindi naman bumababa ang presyo ng gasolina natin? Pero pag nabalita na nagtaas ng presyo ang mga arabo, arya na kaagad ang pag taas ng gasolina. Parang nakakaloko tong mga ito ah.
Ako'y hindi expert sa world oil trade, pero sa aking mumunting kaalaman, ang pagbili ng oil sa international market ay "in advance". Ibig sabihin, ang oil na nakukuha ng mga oil companies ngayon ay matagal na nilang nabayaran sa presyo na matagal na din. So kung $60 per barrel ang presyo nung nakaraang buwan, sa ganung presyo lang din nila nabili ang langis. Bakit pag tumaas ang presyo ng oil sa international market, kasabay ng pagtaas ng presyo agad ng gasolina? Malinaw na pangagantso di ba? Pero pansinin ninyo, pag bumaba ang presyo ng crude oil, hindi naman magbababa ng presyo itong mga tigasmuks na ito. Bakit daw? E kasi mahal daw ang bili nila ng langis nung isang buwan e. Sala sa init, sala sa lamig.
Sinong kawawa? E di tayong mga ordinaryong mamamayan na walang magawa kundi magtiis na lamang. Di naman natin maasahan tong mga nasa government. Bakit? E kasi buwis natin ang nagbabayad ng gasolina ng mga SUV nila.
Kayong mga opisyal ng oil companies: ANG TITIGAS NG MUKHA NINYO!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang isa pang dapat papanagutin dyan ay si kagalang galang na erb chairman angelo reyes sa kanyang pagsisikap,pagsisikap na makipagsabwatan sa big three. kung tutuusin walang silbi ang erb,pag tinanong na si reyes ,ang sagot itatanong din daw nya sa mga kumpanya kung bakit ganon bakit ganito. kaya dapat alisin na ang board na yan,nag aaksaya lang ng kaban ng bayan sa mga walang silbi na taong yan. yumayaman lang si reyes kakatanggap ng lagay eh....bwisit na buhay to,tigas talaga ng mukha.....
ReplyDeleteI agree.. Angelo Reyes needs a little spanking!
ReplyDeletela naman silbi yan si reyes! may patawag tawag pa sa big three para i meeting eh wala rin pala pwe!
ReplyDelete